Nagsimula nang mamahagi ng tseke ang DSWD sa Local Government Units para sa ikinakasang Cash for Work program sa lalawigan ng Albay.
Kasunod na rin ito nang nilagdaang kasunduan ng LGUs sa Albay kung saan naglaan ang DSWD ng 72 million pesos para sa Cash for Work program ng mga pamilyang apektado ng pag aalburoto ng Bulkang Mayon.
Ang mga beneficiary ay tatanggap ng 290 pesos kada araw sa loob ng sampung araw na pagta trabaho na nakabatay sa pangangailangan ng tinutuluyang evacuation center.
Ang bayan ng Daraga ay unang nakatanggap ng 7.7 million pesos para sa mahigit dalawang libong (2,000) beneficiary.
Tiwala si DSWD OIC Secretary Emmanuel Leyco na maipapatupad na ngayong buwan ang nasabing programa para may kita ang evacuees habang nasa evacuation centers.