Tuluy na tuloy na ang makukuhang 14th month pay at cash gifts ng mga empleyado ng gobyerno simula sa November 16.
Tiniyak ito sa DWIZ ni Budget Secretary Benjamin Diokno matapos ianunsyo ang mga naturang benepisyo na mapapasakamay ng government workers.
Ayon kay Diokno, nakapaglaan na ang gobyerno ng 6.93 billion pesos para sa cash gift at 32.84 billion pesos para naman sa year-end bonus na nakapaloob sa 2017 national budget.
“Ang government workers ngayon ay meron silang 13th month pay at 14th month pay, yung 13th month pay ay naibigay na natin nung June, at ang 14th month pay ay ibibigay natin not later than November 16, 1 month salary yan, buo at P5,000 cash gift.” Ani Diokno
Kasabay nito, ipinabatid ni Diokno ang isinumiteng joint resolution sa Kongreso hinggil sa umento sa sahod ng mga pulis at sundalo epektibo sa unang araw ng taong 2018.
“Meron kaming isinumite na joint resolution kapag naprubahan na nila yun, sigurado nan a January 1 next year, dodoble na ang suweldo ng mga sundalo.” Pahayag ni Diokno
(Balitang Todong Lakas Interview)