Matatanggap na sa susunod na linggo ng mga atletang Pinoy na lumahok sa Southeast Asian (SEA) Games sa Kuala Lumpur, Malaysia ang kanilang cash incentives.
Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag – aabot ng halos labing anim (16) na milyong pisong cash incentives para sa mga miyembro ng Philippine Team na nakasungkit ng medalya.
Sa ilalim ng Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, makatatanggap ng P300,000.00 ang mga SEA Games gold medalist samantalang P150, 000.00 naman sa mga silver medalist at P60, 000.00 sa mga bronze medalist.
Matatandaang nakapag-uwi ang Pilipinas ng 24 na gold medals, 33 na silver at 63 na bronze sa pagtatapos ng 2017 SEA Games.