Mananatiling nakabukas ang mga cash lanes sa mga expressways na hawak ng San Miguel Corporations (SMC) hanggang sa ika-11 ng Enero sa susunod na taon.
Sa abiso na inilabas ng SMC tollways, kasabay ng patuloy na pagbubukas ng mga cash lanes, magpapatuloy din anila ang installation ng radio-frequency identification stickers sa mga sasakyan.
Mababatid na bukas din ang mga cash lanes sa South Luzon Expressway, Skyway, NAIA Expressway, Tarlac – Pangasinan – La Union Expressway, at Star Tollway.
Kasunod nito, nagpaalala ang pamunuan ng SMC Tollways na walang mangyayaring hulihan sa mga sasakyang walang Autosweep RFID sticker.