Tumaas ang cash remittances na ipinadaan ng mga Pilipino sa bangko sa buwan ng Agosto.
Ipinabatid ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 5.1% o katumbas ng halos $2.7-B ng cash remittance mula sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Malaking kontribusyon sa pagtaas ng remittance ay mula sa mga land at sea based workers partikular sa Amerika, Malaysia at South Korea.