Lumago ang cash remittances ng mga Overseas Filipino Workers noong Setyembre sa gitna nang nagpapatuloy na demand para sa healthcare at maritime workers sa ibayong dagat.
Umakyat sa 2.6% o 2.91 billion dollars ang remittances noong Setyembre kumpara sa 2.84 billion dollaras sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang nasabing halaga ang pinakamataas sa loob ng dalawang buwan o simula 2.99 billion dollars noong Hulyo.
Gayunman, bahagyang bumagal ang cash remittance growth sa 2.7%noong agosto at 3.8% noong Setyembre 2022.
Ang paglobo ng cash remittances ay bunsod ng lumalaking padala mula sa land-and sea-based workers.