Tumaas ng 4.3 percent cash ang remittances mula sa mga Pilipino sa ibayong dagat noong Setyembre taong kasalukuyan.
Ito’y kasunod ng pagsadsad sa 0.6 percent ng remittances ng mga Overseas Filipino Worker o OFW’s noong mga nakaraang buwan.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, pumalo sa $2.20 billion ang cash remittances sa loob lamang ng 9 na buwan ngayong 2015.
Ayon sa BSP, mas mataas umano ito sa $2.11 billion na naitala sa kaparehong panahon noong isang taon.
Sinasabing karamihan sa mga nagpadala ay mula sa Amerika, Saudi Arabia, United Arab Emirates o UAE, Singapore, United Kingdom o UK, Japan, Hong Kong, at Canada.
By Jelbert Perdez