Tumaas noong Abril ang cash remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Pilipinas.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumago sa 2.395 billion dollars ang ipinadadalang pera ng mga OFWs.
Kumpara ito sa 2.305 billion dollars sa kaparehong panahon noong 2021.
Ang expansion ng cash remittances ay dahil sa mataas na halagang ipinapadala ng mga land-based at sea-based workers.
Mula ito sa mga bansang United States, Saudi Arabia, Japan, Taiwan at Singapore.