Tumaas ang cash remittances ng mga Overseas Filipinos na idinaan sa mga bangko noong Hunyo.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nasa $2.755 billion ang cash remittances noong hunyo, na 4.4% na mas mataas sa $2.638 billion sa kaparehong buwan noong 2021.
Mula Enero hanggang Hunyo, ang cash remittances ay tumaas ng 2.9% sa $15.3 billion kumpara sa $14.9 billion sa parehong panahon sa nakalipas na taon.
Sa datos ng BSP, pinakamalaking remittances ang nagmula sa United States, Singapore at Saudi Arabia.
Samantala, tumaas rin ang personal remittances ng 4.4% sa $3.1 billion noong Hunyo mula sa $2.9 billion sa parehong panahon noong 2021.