Inilabas na ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) ang cash bonuses para sa mga Filipino medal performers sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian sea games sa Hanoi, Vietnam.
Pinangunahan ni POC President Abraham Tolentino ang pagbibigay parangal sa mga medalist bukod pa sa pagrelease ng kanilang financial rewards.
Nakatakda naman mag-courtesy call sa malakanyang ang mga atletang nakakuha ng medalya sa sea games bukas upang personal na pararangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid naman na si Gymnast Carlos Yulo ang uuwi na ‘pinakamayaman’ sa grupo dahil sa nakuha nitong limang gold at isang bronze medal.
Samantala, alinsunod sa Republic Act No. 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang sinumang atleta na makakakuha ng ginto sa sea games ay bibigyan ng reward na 300,000 pesos, 150,000 pesos naman para sa makakuha ng silver medal at 60,000 pesos para sa bronze medalist.