Sadyang naging necessity na o kailangang kailangan ang digital payment o pagbabayad ng mga transaksyon online.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), sa nakalipas na dalawang taon , nag triple o nasa 30 % ang mga nagsasagawa ng cashless payment nuong 2021 kumpara sa pre-pandemic.
Sinabi ng DTI na bukod sa convenient sa 9 mula sa 10 pinoy. Mas ligtas din ang digital payment at mas malapit sa mga pilipinong maka access sa ibat ibang serbisyo.
Dahil dito, suportado ng SM Supermalls ang financial inclusion campaign ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pamamagitan nang pagpo promote ng pagtanggap at paggamit ng cashless payment sa 80 malls nito sa buong bansa.
Gayundin ang digital platform mismo nito, ang SM Malls Online App.
Binigyang diin ni Steven Tan, pangulo ng SM Supermalls na mas pinalakas nila ang sistema ng cashless payment katuwang ang gobyerno dahil nararanasan na ang convenience nito bukod sa bago pa man ang pandemya ay nakikipag ugnayan na sila sa fintech companies tulad ng Gcash at Maya.
Kaya naman sa SM supermalls, 8 aniya sa 10 stores ay tumatanggap na ng digital at QR payments na isang hakbangin din para mahimok ang mallgoers na mag cashless malling na una nang inilunsad sa SM Mall of Asia, katuwang ang BSP, DICT, DTI at China Banking Corporation.
Natutuwa naman ang BSP sa kanilang pakikipag partner sa SM Supermalls at sa katunayan ay inihayag ni Deputy Governor Berna Romulo-Puyat na kailangan nila ang SM Supermalls para matiyak na walang maiiwan sa pagsusulong ng cashless payments lalo na’t parokyano ng pinakamalaking mall sa bansa ang mga pilipino mula sa iba’t ibang sektor.
Sa pamamagitan ng cashless malling, magagamit ng SM Shoppers ang kanilang mobile wallets, online bank accounts at QRPH app para makapagbayad sa bilhing mga produkto at serbisyo sa SM.
At para makapag cash in sa QRPH App, maaaring magtungo ang SM shoppers sa mall information booths o SM bills pay, customer service sa SM Store at bills payment sa SM Supermarkets.