Sisimulan na sa susunod na linggo ang dry run ng full cashless toll collection sa Manila-Cavite Toll Expressway o CAVITEX.
Ayon sa PEA Tollway Corporation, tatanggalin na ang lahat ng cash lanes sa CAVITEX, kaya’t magiging 100% cashless na ang pagdaan dito, at tanging radio frequency identification device o RFID na lamang ang tatanggapin sa mga toll plaza, simula September 14.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga motorista na tiyaking may load ang kanilang mga RFID.
Sinabi naman ng Toll Regulatory Board, na sakop ng dry run para sa full cashless system sa CAVITEX ang Parañaque at Kawit toll plazas.