Isinusulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paggamit ng cashless payment o ibang paraan ng pagbabayad ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, layunin nitong maiwasan o mapigilan ang hawaan at pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga lugar kung saan pinayagan na ang limitadong operasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Aniya, nakipagpulong na siya sa iba’t-ibang mga cashless payment providers sa bansa at transport network companies para talakayin ang paggamit ng mga digital o electronic payment platforms.
Dagdag ni Delgra, matagal na ring ginagamit sa mga TNVS tulad ng grab at taxi ang cashless na paraan ng mga pagbabayad pero mas nakikita sa kasalukuyang sitwasyon ang pangangailangan para madaliin ang pagsusulong nito sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Sinabi pa ni Delgra, hindi na rin aniya bago ang programa dahil bahagi ito ng modernization program ng pamahalaan sa pampublikong transportasyon.