Hinikayat ng labor department ang mga employers na gawing cashless ang pagpapasahod sa mga tauhan nito.
Ayon kay Labor Assistant Secretary Dominique Tutay, ang kanilang panawagan sa mga employers na magpatupad ng cashless payroll ay para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa laban sa banta ng COVID-19.
Kasunod nito, nagpahayag ng suporta ang Employers’ Confederation Of The Philippines (ECOP) sa panawagan ng labor department, pero anila hindi ito pupwede sa lahat ng mga manggagawa.
Paliwanag kasi ng ECOP, may mangilan-ngilang mga manggagawa sa bansa ang anila’y ‘isang kahig, isang tuka’, kung saan hindi kakayaning maglagak ng maintaining balance sa bangko na paglalagyan ng kanyang sahod.
Kasunod nito, kung ang datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong 2019 ang pagbabatayan, lumalabas na mayorya ng Pilipino o 71% ng mga Pinoy ang wala pang kahit anong financial accounts.