Aminado si Filipino boxing champion John Riel Casimero na underdog siya sa kanilang laban ni Japanese knockout artist Naoya Inoue sa Abril 25.
Pero ayon sa 3 weight division world champion, gagawin niya ang lahat upang matalo si Inoue. Kasalukuyang nagsasanay si Casimero sa Miami, Florida USA kasama si conditioning coach Memo Heredia.
Sa naturang event, itataya ni casimero ang kanyang World Boxing Organization (WBO) Bantamweight title habang bitbit ni Inoue ang kanyang 3 korona mula sa World Boxing Association (WBA), International Boxing Federation (IBF), at The Ring.