Malaking accomplishment sa career ni WBO Welterweight Champion John Riel Casimero kung matatalo nito ang veteran two-time division champion na si Guillermo Rigondeaux na gaganapin sa Carson, California.
Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons na malaki ang maitutulong nito sa career ni Casimero kung saan ang veteran Cuban boxer ay isa sa may pinakamalaking pangalan.
Bukod dito, paborito rin ng ilang US annalysts si Rigo.
Sagot naman dito ng Pinoy three division world champ, pagbibigyan daw niya ang fans ng 40-anyos dahil ito na ang huling pag-akyat sa ring ng dati ring two-time olympic gold medalist na tumalo noon kina Nonito Donaire at Drian Francisco.
Magugunitang, pinatumba ni Casimero, ang kanyang huling anim na mga nakalaban.