Inaprubahan ng PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation ang lisensya para sa casino na itatayo sa Cebu.
Ayon kay PAGCOR Chief Andrea Domingo, isang kumpanyang pag-aari ng isang Pilipino ang mamumuhunan nasabing casino na nagkakahalaga ng 500 milyong dolyar.
Hindi na nagdagdag ng detalye si Domingo ngunit sinabi niyang posibleng magsimula ang pagtatayo ng naturang casino sa Lapu-Lapu City, Mactan, Cebu ngayon taon at maaaring tumagal ng limang (5) taon ang konstruksyon.
Samantala, pinag-aaralan pa ng PAGCOR ang posibleng pagpapatayo ng isa pang casino sa Mandaue.
By Avee Devierte