Mas nanaisin pa ni Cassandra Li Ong, isa sa incorporator ng Whirlwind Corporation at authorized Representative ng Lucky South 99, na makulong na lamang, kaysa muling humarap sa pagdinig ng kongreso.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, nakaranas na ng mental health issues ang kanyang kliyente matapos ang mga nakaraang hearing ng house quad committee.
Tatanggapin na rin aniya ni Ong na makulong sa Women’s Correctional Facility, kaysa mapahiya sa harap ng milyun-milyong mga tao.
Iginiit ni Atty. Topacio na dapat na nirerespeto ang karapatan ng resource person at hindi ito binabastos.
Kaugnay nito, nanawagan si Atty. Topacio sa senado na pakinggan ang apela ni ong, kasunod nang isasagawang pagdinig bukas.
Matatandaang hindi nakadalo sa hearing ng Senate Sub-Committee on Justice noong Huwebes si Ong matapos bumaba ang kanyang blood pressure at blood sugar.