Idinepensa ni Congressman Winston Castelo ang desisyon nyang mag ober da bakod sa partido ng Pangulong Rodrigo Duterte mula sa dating kina-aaniban nyang Liberal Party o LP ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Castelo, napag pasyahan nya ito makaraang ang masusing konsultasyon sa kanyang mga kapartido, pamilya at higit sa lahat sa kanyang mga constituents na naglagay sa kanya sa puwesto.
Sinabi ni Castelo na sinundan lamang nya ang malawak na suportang ibinibigay ng kanyang constituents sa Pangulo.
Pumalag si Castelo sa alegasyon na lumipat sila sa partido ng Pangulo para makasiguro ng panalo sa Midterm Elections sa 2019.
Isa lamang si Castelo sa halos sampung (10) miyembro ng LP na lumipat na sa PDP-Laban.
“Hindi naman, I am sure naman that the other party will understand eh, they would also want me to succeed and we will also discuss it and the best way, sa aming understanding is to help our people who also help this administration because the success of this administration will also give benefits to my constituents”, bahagi ng pahayag ni Castelo sa panayam ng DWIZ.
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)