Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Masbate ngayong umaga ng Martes.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometro timog-kanluran ng Cataingan, Masbate dakong alas-8:03 ng umaga ng Martes.
Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na isang kilometro.
Inaasahan naman, ayon sa PHIVOLCS, ang pagkakaroon ng mga aftershocks at pagkapinsala matapos ang nangyaring pagyanig.
Samantala, batay sa earthquake bulletin ng PHIVOLCS, naramdaman naman ang iba’t ibang Intensity levels sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas:
Intensity IV – Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan
Intensity III – City of Iloilo
Intensity I – President Roxas, Capiz
Instrumental Intensities:
Intensity V – Masbate City, Masbate
Intensity IV – Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;
Intensity III – City of Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City
Intensity II – Gumaca, Quezon; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu
Intensity I – Malay, Aklan; City of Gingoog, Misamis Oriental