Idineklara na ng parliyamento ng Catalonia ang kalayaan ng kanilang lugar mula sa Espanya.
Matapos ang desisyon ay agad namang sumigaw ng “Pangulo” ang mga mamamayan ng Catalinia sa kanilang pinunong si Carles Puigdemont.
Gayunman, nanindigan naman ang gobyerno ng Espanya ng nasa direkta pa din nilang poder ang Catalonia.
Dahil dito, inaasahan ang muling pagsiklab ng krisis politikal sa Espanya.
Nanawagan naman si Spanish Prime Minister Mariano Rajoy ng kahinahunan at tiniyak nitong mananaig ang Rule of Law sa Espanya.