Ganap nang batas ang panukalang nagdedeklara sa Catanduanes bilang Abaca Capital ng Pilipinas.
Ito ay ang Republic Act 11700 na kumikilala sa kahalagahan ng industriya ng abaka upang makatulong sa pagkakaroon ng kita ng bansa.
Batay sa bagong batas, malaki ang tulong ng Catanduanes sa paggawa ng abaka kaya nakilala ang Pilipinas bilang ‘Manila Hemp’ sa industriya ng fiber.
Nitong 2020, nasa 31.72% ng abaca sa Pilipinas ang nanggaling sa Catanduanes, 33.74% noong 2019 at 33.37% noong 2018.
Ilan pa sa mga lugar na nagsu-supply ng abaca ang Bicol na may 21, 500 ektarya ng plantasyon nito.