Tumataas na COVID-19 hospital bed utilization rate ang itinuturong dahilan kung bakit isinailalim sa Alert level 4 quarantine status, ang probinsiya ng Catanduanes simula November 16 hanggang sa katapusan ng buwan ayon sa Provincial Health Officer nito.
Sa isang panayam sinabi ni Dr. Hazel Palmes na nasa 80% na ang COVID bed utilization rate ng kanilang provincial hospital, habang nasa 50% naman ang ICU utilization rate.
Ayon pa kay Palmes, mayroong 353 aktibong kaso ng COVID-19 sa lugar, nasa 132 ang asymptomatic at nasa 205 ang nakakaranas ng mild symptoms.
Dagdag pa ng doktora, nasa 63, 283 sa 275,043 na target population pa lamang ang kumpleto na ang bakuna kaya’t malayo pa aniyang maabot ng probinsiya ang herd immunity. —sa panulat ni Joana Luna