Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bayan ng Pandan sa lalawigan ng Catanduanes, 11:14 kaninang umaga.
Natukoy ang sentro ng lindol sa animnapu’t walong (68) kilometro hilaga ng bayan ng Pandan.
Ang naturang lindol ay may lalim na sampung kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman din ang nasabing lindol sa intensity 3 sa Naga City at intensity 2 sa Legazpi City.