Nanawagan ng tulong ang pamahalaan lokal ng Catanduanes na isa sa mga matinding sinalanta ng bagyong Nina.
Ayon kay Catanduanes Vice Governor Shirley Abundo, kulang na kulang na ang sampung milyong pisong pondo ng pamahalaang lokal para tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta sa kanilang lugar.
Tinatayang nasa siyamnapung (90) porsyento ng Catanduanes ang naapektuhan ng bagyo.
By Ralph Obina