Namamahagi ang lokal na pamahalaan ng Catbalogan City ng P1,000 educational assistance sa mga kolehiyo sa lungsod.
Ayon sa Catbalogan City LGU, nagsimula silang magbigay ng tulong pinansyal sa mga kolehiyo noong nakaraang linggo pa.
Ayon pa kay Mayor Dexter Uy, tinawag na “Ayuda Eskwela” ang ginawa nilang programa sa lungsod.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang patulong ng Catbalogan City LGU sa mga estudyante at pagsuporta sa edukasyon sa mga
kabataan. —sa panulat ni John Jude Alabado