Nagkamit ng gintong medalya sa Asian Open Figure Skating championship ang Filipina skater na si Sofia Frank.
Ginanap ito sa Jakarta, Indonesia noong December 7 hanggang 9.
Nahigitan ni Frank ang walo nitong kalaban matapos makapagtala ng kabuuang 143.97 points para sa short program at free skate segment sa senior women category.
Si Joanna So naman ng Hong Kong ang nagkamit ng ikalawang panalo habang si Ting Tzu-Han ng Chinese Taipei ang nasa ikatlong pwesto.
Ang kapwa Philippine Skater ni Frank na si Skye Chua ay nagtapos sa ikapitong pwesto ng kompetisyon.
EVENTS
2022 Hybrid National Fair Trade, Ikakasa ng DTI sa susunod na linggo
Bubuhayin ng 2022 Hybrid National Trade Fair ang Festive Holiday Shopping Season habang naghahanda ang mga Pilipino sa itinuturing nilang favorite time of the year.
Kasunod na rin ito nang ikinakasang 2022 Hybrid National Trade Fair ng Department of Trade and Industry-Bureau of Domestic Trade Promotion (DTI-BDTP) na magaganap sa November 16 hanggang 20 sa SM Megamall.
Katuwang ng DTI-BDTP sa 5 araw na event na ito na may temang “GO GREEN! GO LOCAL” ang regional operations group ng nasabing ahensya, design center of the Philippines at national bamboo industry cluster.
Ang naturang event ay patuloy na suporta para sa sustainability at inclusivity sa pamamagitan nang pagpapakita nng green, sustainable at eco-friendly products gayundin ang artisanal at heritage crafts mula sa labing anim na rehiyon ng bansa na masusing pinili para ipakita ang mayabong na indigenous products at raw materials, handcrafted and handwoven products, furniture at home decor na gawa mula sa sustainable materials, unique at eco friently packaging materials gayundin ang health at wellness products.
Ayon kay BDTP Director Marievic Bonoan, itatampok din sa nasabing trade fair ang iba’t ibang uri ng fresh produce, processed food and beverages at native delicacies na u ubrang ipang regalo lalo na ngayong kapaskuhan.
Ang nasabing event aniya ay mangyayari rin online o sa e commerce platforms tulad ng lazada.
Maaaring i check ang social media accounts ng DTI BDTP sa facebook, instagram at twitter gayundin sa kanilang twitter account para sa iba pang mga detalye ng 2022 hybrid national trade fair.
Umarangkada na ang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Ibagiw Festival 2022 sa Baguio City.
Ito na ang ika-5 taong pagdiriwang ng Ibagiw Festival sa Baguio City matapos mapabilang sa UNESCO list ng World Creative Cities ang syudad.
Kahapon, November 6 ay napuno ang session road ng iba’t ibang expression ng sining at kulturang Cordillera sa pamamagitan ng Creative Sundays.
Sari-saring mga booth at stall ang nasaksihan kung saan ipinapakita ang mga gawang Cordillera gaya ng mga hinabing produkto, metal craft, wood craft at visual arts.
Hindi rin nawala ang mga putahe at pagkaing gawa sa rehiyon bukod pa sa pagkakaruon ng mga ethnic performances ng mga local artist sa Ibagiw stage na itinayo sa Session Road.
Ang mga art exhibit naman ay nasa Calderon Street, habang mayroon ding Ibagiw Strip sa Assumption Road.
Itinakda naman sa Sabado, November 12 ang pormal na pagbubukas ng seremonya kaugnay sa Ibagiw 2022 na may temang “Locally Creative, Globally Competitive.”
Samantala, ang Creative Sundays ang magaganap sa lahat ng araw ng Linggo ng buong buwan ng Nobyembre kung saan inaasahang madaragdagan pa ang grupo ng artists, craftsmen at artisans na makikilahok sa Ibagiw Festival para maipagmalaki ang kanilang mga gawa.
Pinoys on-the-go, bonggang gala at enjoyment ngayong Holidays, hatid ng SM Supermalls
Punta na sa SM Supermalls at i-experience ang mga ito:
Kauna unahang 3D whale shark led billboard at space odyssey sa SM Megamall
Halika na sa outer space with our space explorer friends at maghanda nang mag-picture at mag-video.
Ready to experience ang kauna-unahang immersive 3D led tunnel sa Manila mula October 21 hanggang December 25 sa ground level ng MEGA fashion hall na nasa likod lamang ng giant Christmas tree.
Ipinakikilala ng SM Supermalls ang bagong 3D technology sa EDSA sa pamamagitan ng pag-screen sa hyper realistic 3D whale shark sa led billboard ng SM megamall.
Hatid ng SM Supermalls ang una sa Pilipinas, high definition immersive content sa mismong puso ng Metro Manila at mamangha sa tinaguriang larger than life whale shark sa isang digital billboard sa dalawang libong talampakan.
Una nang nasilayan ng publiko ang mega whale shark nuong April 27, subalit higit itong mai-enjoy ng mga customer, tourist at motorista kada 15 minutes simula April 28 at sa itinuturing na peak hours mula alas-12 ng tanghali hanggang alas-10 ng gabi araw-araw.
Manabik sa bagong 3D content ngayong Kapaskuhan bilang patunay na ang Pilipinas ay siyang ikalawang may pinakamalaking populasyon ng whale shark sa buong mundo sa 1,950.
Aurora trail ng SM North EDSA:
Hindi na kailangang lumipad palabas ng bansa dahil ang inaasam na pagsilay sa aurora borealis ay ma-e-enjoy na sa SM North EDSA matapos mag-wish and dream sa giant Holiday tree na napapalamutian ng makukulay na ilaw, forestry, rein bears at Holiday polar express.
Sparkle at the light show at Holiday fireworks sa SM Mall of Asia:
Namnamin ang ika nga’y Christmas spirit habang pinapanuod ang pinakamakukulay na indoor Christmas tree music and lights show.
‘Wag magpahuli sa itinakdang Christmas tree music and lights show araw-araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi hanggang sa katapusan ng Disyembre sa Central Atrium.
At hindi dapat palampasin ng buong pamilya ang mas pinabonggang fireworks display sa MOA complex tuwing Biyernes at Sabado mula Nobyembre hanggang Disyembre.
Golden gateway at nights of dazzling lights sa SM Aura Premier:
Ito ang kamangha manghang mundo para sa lahat ng mga papasok sa golden gateway sa sm Aura Premier.
Ka-partner ang global smartphone brand na Tecno Mobile, sanib-puwersa ang technology at art para ma-experience ang bagong mundo “with glitz and glamour”.
Hindi lang ‘yan ang technological experience na ibibigay ng SM Aura Premier kundi ang spectacular choreographed light and sound display sa Skypark sa Level 5.
Be there guys bago mag-alas-7 ng gabi, lahat ng araw ng Linggo ng Disyembre kabilang ang mismong December 25 at hayaan ang sariling maging bahagi ng forest of lights at jaw dropping musical show sa SM Aura Premier!
Kaya…ano pang hinihintay niyo…may bonus na o wala pa…let’s troop to SM Supermalls para sa mas exciting and super Christmas experience!
Dahil sa SM Supermalls…we’ve got it all for you!
Sa ikalawang sunod na taon ay itinanghal na Best Filipino Newspaper ang Pilipino Mirror sa ginanap na 17th Gawad TANGLAW noong ika-8 ng Mayo 2019 sa Museo ng Muntinlupa. Pinangunahan nina Pilipino Mirror Editor in Chief Rey Briones (pangalawa mula sa kaliwa) at General Manager Jocelyn Siddayao (pangalawa mula sa kanan) ang pagtanggap mula kay Dr. Ellen E. Presnedi (gitna), Pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa, ng parangal na iginawad din sa Pilipino Mirror noong nakaraang taon. Kasama sa larawan sina Pilipino Mirror Advertising and Sales Manager Cris Galit at Nora Bonogan. Kuha ni RUDY ESPERAS
Photo Courtesy: Business Mirror
Nagsanib-puwersa na ang Aliw Media Group sa pakikipagtulungan ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay para sa malawak na media coverage ng midterm elections sa darating na Mayo, na “Hatol ni Juan” 2019.
Pinangunahan ng Aliw Media Group President at CEO D. Edgard A.Cabangon ang paglagda sa memorandum of agreement kasama si Comelec Spokesman James Jimenez.
Sumaksi rin sa nasabing MOA signing sina dating Press Usec. Robert Rivera, Project Manager ng Hatol ni Juan, Aliw Broadcasting EVP Ely Aligora, at mga punong patnugot ng Pilipino Mirror, Business Mirror at mga himpilan ng RPN o Radio Philippines Network.
Magkakaroon din ng pakikibahagi ang taong bayan sa bawat tanong na ilalabas kaugnay ng eleksyon na ilalathala at isasahimpapawid ng Aliw Media Group.
By Edwin Eusebio
Isang fund raising dinner concert ang magsisilbing kick off para sa yearlong celebration ng ika-apatnapung anibersaryo ng Catholic Mass Media Awards (CMMA).
Ang dinner concert ay may titulong Dinner with the Cardinal: Sharing a Moment of Grace at gaganapin mamayang alas-6:00 ng gabi sa Citystate Tower Hotel sa Mabini Street, Ermita Manila.
Pangungunahan mismo ni CMMA Honorary Chairman Luis Antonio Cardinal Tagle at CMMA Board of Trustees Chairman D. Edgard Cabangon ang pagsalubong sa mga bisita.
Mapapanood sa concert ang premiere soprano ng Pilipinas na si Rachelle Gerodias at kanyang asawang Koreano na si baritone Byeong-In Park.
Nakatakda ring mag-perform sa fund raising event ang One Voice Choir ng Sto. Niño de Paz Greenbelt Chapel sa Makati City at Light Side Movement Choir ng San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City.
—-
(Sa panulat ni Abigail Tan, DWIZ Correspondent)
Napaluha sa galak ang mga inmates o PDL (Persons Deprived of Liberty) ng Antipolo City Jail nang binasa ng kanilang mga anak na naluluha din ang ginawang liham ng mga ito (anak) na naglalaman ng pasasalamat, pag-aalala at pagmamahal para sa kanilang mga nakakulong.
Ang okasyong ito ay pamaskong handog ng DWIZ 882 sa pamumuno ng kanilang News Director at Head ng Public Service na si Jun R. Del Rosario, kasama ang mga staff ng Public Service, Sales, Marketing, HR, Traffic, Finance, 97.9 Home Radio at ng Antipolo City Jail na pinamumunuan naman ni J/Supt. Mirasol Vitor.
Nagkaroon ng mga palaro para sa mga PDL ka-partner ang kani-kanilang mga anak, may awitan, at may sayawan din na pinangunahan naman ng mga sundalo mula sa 11th CMO Battalion ng Philippine Army.
Bahagi ng programa ang masayang pagtanggap ng mga anak ng PDL ng mga regalo at laruan mula sa donasyon ng PAGCOR, at ang ikalawang bahagi ay ang madamdaming pagtanggap ng mga PDL ng liham mula sa kanilang mga anak o pamangkin kasama ang regalong toiletries na donasyon naman ng SOGO Hotel at Taguig Lions Club International.
Walang pagsidlan ang kaligayahan ng mga PDL nang mayakap at makasalo nila ang mga anak at mga asawa sa pagkain, mga tinapay at juice na pahatid nina Ms. Mocha Uson, ng Gardenia, Tinapayan Festival, Pingping Lechon at ng Tang.
Layon ng nasabing proyekto na maipadama sa mga inmates na habang naghihintay sila ng desisyon sa kani-kanilang mga kaso sa loob ng rehas ay may mga tao pa rin na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanila.
Ayon sa mga PDL, ang ilang oras na pagsasama-sama nila bilang pamilya ay siyang pinakamahalagang regalo na natanggap nila ngayong darating na kapaskuhan.
We’re currently having issues on our archiving, please ignore if you will be seeing outdated news articles displayed on the website.
Sorry for the inconvenience and thank you for understanding!
-DWIZ Website Administrators
DepEd Sec. Briones binigyang parangal sa ‘Amb. Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon’
Isa si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones sa ilang mga personalidad na binigyang pagkilala ng Fortune Life sa Ambassador Antonio L. Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon.
Kasabay din nito ang ika-pitong parangal para sa guro at ikalawang taon naman ng parangal para sa pamumuno na ginawa sa bulwagan ng karunungan sa punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City.
Maliban kay Secretary Briones, binigyan din ng parangal si Ginoong D. Arnold Cabangon, pangulo ng Fortune Life Insurance Corporation, DepEd Usec. Lorna Dino at Ms. Erlinda Legaspi.
Gayundin ang mga guro na nagpakita ng katangi tanging pagganap sa kanilang tungkulin at naging huwaran sa kanilang mga mag aaral.
Dumalo sa nasabing pagtitipon ng mga opisyal at kawani ng DepEd, Fortune Life gayundin ang ALC group of companies at Aliw Broadcasting Corporation Chairman D. Edgard Cabangon.
(Ulat ni Jaymark Dagala)
TINGNAN: DepEd Sec. Briones, kabilang sa mga binigyang parangal sa Amb. Antonio Cabangon Chua Gintong Parangal para sa Edukasyon | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/NX6izpOCu9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 12, 2018