Nauwi sa trahedya ang masaya sanang birthday party sa Tondo, Maynila nang maganap ang isang insidente ng pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang indibidwal at pagkasugat ng dalawa pa.
Ayon sa awtoridad, nagsimula ang gulo nang bumaba ang isang lalaki mula sa motorsiklo upang lapitan ang isang pang lalaki.
Kung saan nilabas ng suspek ang isang balisong at nanaksak. Apat ang tinamaan sa kaguluhan, at dalawa sa kanila ang nasawi.
Batay sa imbestigasyon, ang suspek at ang isa sa mga biktima ay nagkaroon na ng alitan sa isang birthday party.
Umano’y lasing ang suspek at binastos ang mga babaeng bisita, kabilang ang kasintahan ng biktima. Sinundan ng suspek ang biktima matapos itong umuwi, na nagresulta sa marahas na pananaksak.
Nahuli naman agad ang suspek matapos ang insidente.
Depensa niya, kakausapin lamang niya sana ang biktima ngunit bigla umano siyang sinuntok, dahilan upang kuyugin siya ng ibang tao.
Kasalukuyan namang nagpapagaling ang mga sugatan, habang hinahanda na ng awtoridad ang mga kasong kakaharapin ng nahuling suspek.