Nagdulot ng matinding trapiko sa mga motoristang bumabaybay sa Northbound lane ng EDSA Busway Station ang lalaking nag-amok dahil niloko umano ng kanyang nobya.
Ayon sa Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT), pumasok nang umiiyak sa busway ang lalaki habang pinakakalma ng kanyang nobya.
Itinulak at hinamon pa nito ng suntukan ang isa sa mga operatiba upang mawala umano ang sama ng loob nito.
Samantala, agad namang rumesponde ang mga tauhan ng I-ACT, PCG, at MMDA para pakalmahin at dalhin sa presinto ang lalaki. —sa panulat ni Hannah Oledan