Pumalo na sa 11 katao ang namatay dahil sa Guillain-Barre syndrome sa Maharashtra sa India.
Kaugnay nito, ayon sa mga health official ng India, 211 katao na ang tinamaan ng nasabing sakit; kung saan 183 ang kumpirmado habang 28 ang suspected cases.
Dahil dito, ipinag-utos na ng pamahalaan sa mga health authority na gumawa na ng mabilis na aksyon upang mapigilan ang pagkalat ng GBS.
Ang GBS, ay isang pambihirang kondisyon nagdudulot ng pagkamanhid; at panghihina ng mga muscle.
Kabilang sa mga sintomas nito ang labis na panghihina ng limbs. – Sa panulat ni John Riz Calata