Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magiging tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng proyektong “Pasig Bigyang Buhay Muli” katulong si First Lady Louise Araneta-Marcos.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang mga benepisyo sa naturang rehabilitation project, gaya ng dagdag na oportunidad sa paghahanap-buhay, turismo, at transportasyon.
Ayon sa Pangulo, inatasan na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior and Local Government (DILG), at ilang local government units (LGUs) na magpasa ng quarterly at yearly report.
Binigyan na rin ng direktiba ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magbigay ng ulat tungkol sa development ng Pasig River rehabilitation project.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi para sa administrasyon ang ginagawang rehabilitasyon sa Ilog Pasig kundi para sa susunod na henerasyon.