Inilantad ng isang dating committee chairperson ng Kongreso na tumangging pangalanan ang malalaking sahod at benepisyo na kanilang natatanggap.
Anya, sampung milyong pisong budget kada taon at ₱ 25,000 hanggang ₱ 50,000 na allowance kada buwan ang kanilang nakukuhang ‘perks at benefits’ bilang pinuno ng komite. Paliwanag ng kongresista, ito ay average rate lamang na ibinibigay bukod pa kung ikaw ay kasapi sa mga tinaguriang ‘matitikas’ na komite sa Kongreso katulad ng Appropriations, Ways and Means at Public Works committee kung saan ay maaaring mas malaki pa ang nakukuha.
Nilinaw din niya na itong mga benepisyong ito ay hiwalay pa sa buwanang sweldo ng isang kongresista na may salary grade 31 o katumbas ng ₱ 117,086.
With report from Jill Resontoc (Patrol 7)