Pumalo na sa P200 hanggang P240 ang kada kilo ng manok sa ilang pamilihan sa National Capital Region (NCR).
Sa pag-iikot ng DWIZ sa Marikina Public Market, mula sa dating P180 kada kilo, pumalo na sa P200 ang kada kilo ng manok habang P220 hanggang P240 naman ang kada kilo ng wings at leg part.
Base sa price monitoring ng Department of Agriculture (DA), mula dating P190 noong buwan ng Hunyo, pumalo na sa P200 ang presyo sa kada kilo ng manok nitong Hulyo a-8.
Ayon kay Bureau of Animal Industry (BAI) Officer-In-Charge- Director Reildrin Morales, tumaas ang demand sa manok dahil sa pagbubukas ng mga hotel at restaurants, kasunod ng pagluluwag ng restriksiyon sa bansa.
Sa ngayon, planong makipagdiyalogo ng mga DA executive sa ibang mga bansa para sa posibleng alternative sources ng mas murang feed ingredients upang matugunan ang mataas na presyo ng manok sa ibat-ibang lugar bansa.