Tinatayang nasa 100 na Pilipino ang namamatay sa tuberculosis kada araw.
Batay ito sa Global Tuberculosis Report 2024 ng World Health Organization.
Ayon pa sa ulat, nananatiling kabilang ang Pilipinas sa walong mga bansa na may pinakamataas na kaso ng TB, na may 739,000 na kasong naitatala kada taon.
Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health na nagpapatuloy ang mga ginagawa nilang developments para sa early screening, treatment, prevention, health system support, gayundin ang information dissemination.
Ilan sa mga karaniwang sintomas ng tuberculosis ang matagal na ubo, pagbaba ng timbang, pananakit ng dibdib, pagkapagod, at lagnat. - sa panulat ni Hya Ludivico