Alam niyo ba na may nutriyong benepisyo rin ang olive oil sa ating kalusugan?
Nadiskubre ng mga eksperto na maraming benepisyong pangkalusugan na makukuha sa pagkonsumo ng olive oil.
Ayon sa mga pag-aaral, ang olive oil ay mainam na source ng vitamin e, polyphenols, at mono-unsaturated fatty acids.
Sinasabing nakatutulong ito upang mabawasan ang panganib o risk ng pagkakaroon ng heart disease.
Nakatutulong rin ang olive oil sa pagpapalago ng buhok kung saan karaniwang problema ng mga kababaihan maging ng kalalakihan.
Maaari rin itong pamalit o alternatibo sa butter o margarine sa mga niluluto nating pasta o rice dishes.
Ayon sa mga eksperto, maraming benepisyo ang olive oil ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.