Karamihan sa mga Pilipino ngayon ay nagtatrabaho sa gabi o yung mga tinatawag na graveyard shift.
Pero ayon sa mga doktor, nagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ang graveyard shift.
- una; naaapektuhan nito ang tagal at kalidad ng tulog.
- pangalawa; nagpapataas ito ng risk na magkaroon ng diabetes.
- pangatlo; nagpapataas nito ng risk na magkaroon ng obesity o labis na katabaan.
- pang-apat; tumataas ng 30% ang risk na magkaroon ng breast cancer.
- panlima; nagdudulot din ito ng pagbabago sa iyong metabolism.
- at pang-anim; mas mataas ang risk nila na magkaroon ng depression.
Pero kung hindi maiiwasan, huwag pababayaan ang sarili, kumain ng masustansya, iwasan ang matataba, maaalat at matatamis na pagkain.
Iwasan din ang mga bisyo tulad ng sigarilyo at alak, magkaroon ng regular na ehersisyo at sikaping mabawi ang tulog sa umaga.