Alam niyo ba na maraming benepisyong taglay ang atis sa katawan?
Ang atis o annonna squamosa na kilala rin bilang sugar apple ay isang prutas na may matamis at masarap na lasa.
Maiiwasan ng atis ang mga pamamaga, pagiging diabetic at panganib na magkaroon ng ulcer.
Nagtataglay din ang atis ng mga vitamin a, potassium, at iron na nakakatulong mapalakas ang ating katawan.
Mayaman din ang atis sa vitamin c na nakakatibay sa ating immune system.
Ayon sa mga eksperto, maraming sustansya mang taglay ang atis ngunit hindi ito alternatibong gamot sa anumang uri ng sakit.
HEALTH
Alam niyo bang may dalang taglay na benepisyo ang prutas na prunes?
Ito ay mula sa pagpapatuyo ng mga bunga ng italian hungarian kung makakukuha ng nutrients sa katawan.
Ang taglay na benepisyo nito ay ang:
- Aloe plum na may pinakamataas na antioxidant at tonic properties.
- Maari ring gamitin bilang pang-diet o pagbabawas ng timbang.
- Kinilala ito bilang tradisyunal na gamot upang linisin ang atay.
- Nakatutulong din itong mapabilis na mapabuti ang pangkalahatang kalusugan
Bukod pa rito, kabilang naman ang thiamine, pyridoxine, folic acid, riboflavin, pantothenic acid at iba pang bitamina b. - sa panunulat ni Jenn Patrolla
Kung ikaw ay nakararanas ng paninikip at pakiramdam ng pamamaga ng tiyan, maaaring ito ay sanhi ng pagkakaroon ng bloated stomach.
Ang mga taong mayroong bloated stomach ay pakiramdam ay maaaring mayroong digestive issues at makaramdam ng hindi komportable hanggang sa matinding sakit.
Karaniwan itong nawawala pagkatapos ng ilang sandali, ngunit para sa ilang mga tao, ito ay isang paulit-ulit na problema.
Ilan sa mga sanhi ng bloated stomach ay:
- stress at anxiety
- constipation
- Irritable Bowel Syndrome (IBS)
- Small Intestinal Bacterial Overgrowth (SIBO)
Samantala, ilan sa mga lunas na maaaring gawin sa bahay ay:
- pagbabawas sa pagkain ng processed foods na kadalasan ay mataba at maalat
- pagbabawas o pagtigil sa paninigarilyo at madalas na pag-inom ng alak
- pagkonsumo ng mas kakaunting dami ng pagkain
- regular na pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa buong araw —sa panulat ni Hannah Oledan
Ang panunuyo ng Bibig o Xerostomia ay isang kundisyon kung saan hindi agarang nagsa-salivate o nakakagawa ng laway.
Ang nanunuyong bibig ay maaaring humantong sa pagkabulok ng ngipin at mabahong hininga.
Ito ay maaaring dahil sa side effects ng mga gamot na iniinom o dahil sa Radiotheraphy para sa sakit na Cancer.
Maaari ring dahilan ang Sjogren’s syndrome kung saan nanunuyo ang bibig ng isang tao pati na rin ang mata nito.
Common cause din nito ang HIV/Aids na kamakailan lamang ay napabalitang mabilis ang pagtaas dito sa Pilipinas.
Ugaliing uminom ng walo o mas marami pang baso ng tubig sa isang buong araw at iwasan ang mga inuming may caffeine dahil ito ay nakakadagdag sa panunuyo ng bibig.
Ugaliing regular na magpatingin sa doktor upang matukoy kung anong gamot ang dapat inumin. —sa panulat ni Hannah Oledan
Popular na dried fruits ang pasas
Bagama’t ito ay may hindi magandang itsura. Ito naman ang isa sa mga pinaka masustanyang pagkain
Ito ay mainam na alternatibong pagkain sa mga kinahihiligan nating candies at tsokolete dahil sa tamis na lasa nito.
Maliban dito, siksik din sa benepisyong pangkalusugan ang pasas.
Ayon sa pag-aaral, nakatutulong ang pasas na pangontra sa hypertension.
Taglay kasi ng pasas ang iron, potassium, antioxidants at b- complex na tumutulong upang mamaintain ang normal nating blood pressure.
Ang mataas na lebel ng potassium ay nagpapababa ng tension sa ating blood vessel at nababawasan ang pressure sa ating dugo.
Ang pasas ay may mataas na potassium at walang sodium kayat mabisa itong pagkain para sa puso.
Kayo ba ay may alagang pusa?
Alam nyo ba na ang pag-aalaga ng pusa ay nakabubuti sa kalusugan ng isang tao.
Ito ay sa kabila ng pangamba ng ilan na ang pag-aalaga ng pusa ay posibleng magdulot ng pagkakaroon ng toxoplasmosis o impeksyon dulot ng parasitikong matatagpuan sa dumi ng pusa na nagiging sanhi naman ng pagkabaliw ng isang tao.
Pero paglilinaw ng mga eksperto mula sa psychological medicine, walang kinalaman s apag-aalaga ng pusa ang pagkakaroon ng sakit na psychosis.
Sa halip, ibat ibang benepisyo pa anila ang ibinibigay ng pagkakaroon ng puso sa ating araw-araw na buhay.
Sustansiyang taglay ng isda, ating alamin
Ang isda ay isa sa pangunahing pagkain at masarap na katambal ng gulay.
Ang isa ay sagana sa sustansiya na may benepisyo sa kalusugan.
Taglay nito ang maraming protina, vitamin d, at minerals.
Ang isda rin ay may omega-3 fatty acids na mahalaga sa katawan at utak, lalo na ang sardinas, mackerel, tilapia at salmon.
Alam niyo bang may taglay na benepisyo ang halamang damo ng tanglad?
Ito ay hindi lamang ginagamit upang mapabango o mawala ang lasa ng isang lutuin.
Nagtataglay ito ng iba’t ibang benepisyo na mapapakinabangan sa kalusugan ng isang tao.
Ang mga benepisyo na dala ng tanglad ay:
- Epektibong panunaw sa tiyan tulad ng indigestion, heart burn at pananakit ng tiyan.
- Mayroong taglay na antidepressant
- Gamot sa kumikirot na ngipin
- Pagsakkit ng likod o backpain at ulo
- Mabisang gamot para sa may rayuma
- Panglaban sa sipon at trangkaso
- Mainam na panglaban sa impeksyon
Sagana rin ang tanglad sa iba’t ibang nutrisyon tulad ng bitamina, mineral gaya ng Folate, Magnesium, Zinc Phosphorus, Potassium at Vitamin A at C. - sa panunulat ni Jenn Patrolla
Alam mo ba na ang pagiging sobrang lamigin ay prone din sa iba’t ibang sakit tulad ng anemia, hypothyroidism at anorexia?
Ang hypothyroidism ay isang kondisyon kung saan hindi nakakagawa ng sapat na thyroid hormones ang thyroid gland.
Ang mga taong kulang sa thyroid hormone ay maaaring madaling mapagod, mabilis lamigin, at manghina.
Ang anemia naman ay isang kondisyon kung saan kulang ang red blood cells sa katawan dahil sa kakulangan sa nutrisyon at labis na kakulangan sa pagtulog.
Ang mga taong may kaunting taba sa katawan o sobrang kapayatan o tinatawag ding anorexic ay maaaring nahihirapang mapanatili ang temperatura ng kanilang katawan at sa ilang mga kaso, ay maaaring magresulta sa hypothermia.
Upang mapanatili ang normal na temperatura sa katawan, ugaliing kumain ng tama at masusustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas at mga pagkaing sagana sa iron tulad ng atay at laman ng baka, baboy at manok.
Iwasan din ang sobrang pagpupuyat at pagkakaroon ng sugat na maaaring sanhi ng pagkawala ng maraming dugo sa katawan. —mula sa panulat ni Hannah Oledan
Madalas bang nananakit ang inyong batok?
Pangkaraniwan ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa opisina dahil sa madalas na nakaupo sa harap ng computer at madalas ay hindi maganda ang pag-upo o postura.
Isa rin ang pagkakaroon ng naipit na ugat sa mga dahilan kung bakit nananakit ang batok o heniated disk o bone spur kung tawagin.
Kadalasang sanhi ng pananakit ng batok ay ang pagkakaroon ng high blood. Madalas ito ay sinasamahan ng pananakit ng ulo, pagkahilo, at pagiging lightheaded.
Mainam na magpunta sa doktor upang mabigyan ng tamang diagnosis. Sa mga high blood naman ay ugaliing mag ehersisyo at iwasan ang pagkain ng matataba at masesebong pagkain.
Para sa agarang lunas sa pananakit ng batok, ugaliing ayusin ang pag-upo at paghiga upang hindi magkaroon ng poor posture na karaniwang sanhi ng pananakit ng batok.
Maaari ring gumamit ng cold compress at ipatong sa parte na sumasakit upang maibsan ito. —sa panulat ni Hannah Oledan