Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang inauguration ng isang state-of the-art poultry farm ng Magnolia sa Hagonoy, Davao del Sur noong October 12, 2023.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., tutugunan ng bagong Magnolia poultry farm ang pangangailangan ng Mindanao pagdating sa poultry supply. Sinabi niya rin dito ang plano niyang mag-invest sa modernization ng agriculture sector na sinag-ayunan naman ng netizens.
Para kay Pangulong Marcos Jr., susi sa pakikipaglaban sa kagutuman at kahirapan ang pag-iinvest sa agrikultura. Aniya, una lang ang high-tech poultry farm sa Davao del Sur sa planong 11 facilities na itatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng San Miguel Foods’ Poultry Megafarm Projects.
Mayroong controlled climate technology, biosecurity measures, automated feeding and watering system, air quality monitoring system, at automated harvesting system ang bagong tayong poultry farm. Sinisiguro nito ang pagkakaroon ng mas stable, sufficient, at cost-competitive supply ng manok ng bansa.
Sa pag-iinvest sa latest technological advancements sa poultry farming, mas mabilis na makakapag-produce ng healthy chickens na may premium quality. Ayon sa San Miguel Foods, makaka-produce ng up to 80 million chickens o 200 million kilos yearly ang poultry farm sa Davao del Sur. Bukod rito, makakapagbigay rin ito ng tinatayang 1,000 direct and indirect jobs para sa mga kababayan natin.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., nagbibigay ng mensahe ang pagpapatayo ng high-tech poultry farm sa local at international investors na kaya ng Pilipinas na magkaroon ng advanced industrial forms ng agriculture. Sinasabi man ng iba na pang-abroad lang ang ganitong klase ng teknolohiya, ngayon napatunayan sa ilalim ng administrasyong Marcos na kaya rin ito ng Pilipinas.
Sa pag-iinvest sa agrikultura, makakamit ng bansa ang goal nito pagdating sa food security.