Mahigit 260k kaso ng physical bullying sa paaralan ang naitala ng Department of Education sa loob lamang ng isang school year.
Umabot sa kabuuang 264,668 ang reported cases ng physical bullying noong School Year 2021-2022.
Maliban dito, mayroon ding naitalang 7,758 cases ng cyberbullying, 7,800 ng gender-based bullying, at 17,258 cases ng social bullying.
Sa kabila nito, pinaniniwalaang marami pang mga kaso ang hindi naiuulat.
Kaugnay nito, naglunsad ang deped ng helpline para sa mga estudyante upang i-report ang mga pang-aabuso at isang programa naman na nakatuon para sa mental health ng mga mag-aaral.