Dalawang indibidwal ang nasawi matapos ang tumamang magnitude 6.4 na lindol sa siyudad ng Eureka sa Northern California.
Naitala rin ang ilang serye ng aftershocks matapos ang lindol sa lugar, kung saan inaasahan ng US geological survey ang mas maraming aftershocks sa mga susunod na araw.
Sa lakas ng pagyanig, ilang kabahayan, kalsada at water systems ang napinsala.
Ayon sa mga otoridad, 11 katao ang napaulat na nasugatan habang aabot naman sa 70 libong residente ang nawalan ng kuryente.
Nagpapatuloy naman ang damage assessments sa lugar kung saan, nakapagtala ng malaking pinsala sa Rio Dell habang moderate damages naman ang naitala sa Eel River Valley.