Anim naputwalong pasahero ang kumpirmadong nasawi habang apat pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap matapos magcrash ang sinasakyan nilang eroplano sa bayan ng Pokhara, Nepal.
Ayon sa Nepal’s Civil Aviation Authority, pitumput dalawang pasahero kabilang na ang labing limang foreign national na binubuo ng Indians, Russians, South Koreans, Australian, Ireland, Argentina, at France, kasama na ang apat na crew members ang sakay ng twin-engine ATR 72 aircraft.
Sa pahayag ng mga otoridad, karamihan sa mga biktima ay nasunog dahil nahirapan silang lumapit para sagipin ang mga ito bunsod ng makapal na usok at init makaraang mag-apoy ang naturang eroplano.
Napag-alamang umikot sa himpapawid bago bumagsak sa bangin ang nasabing aircarft pero patuloy pa itong iniimbestigahan ng mga otoridad dahil hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng aksidente.