Bibisita sa Maynila ang K-pop idol at aktor na si Kim Myung-soo, na kilala bilang L ng boy band na Infinite.
Pinapirma ng Universal Records Philippines si Kim Myung-soo para sa pagrerelease ng kanyang mga bagong kanta sa bansa.
Siya rin ang pinakabagong artist na nasa ilalim ng GLXY Entertainment, isang digital content, talent and events management company sa Pilipinas.
Si Kim Myung-soo ay nasa Pilipinas mula November 11 hanggang 14 para sa isang contract signing, photo shoot, at iba pang pagkakataon.
Matatandaang, nag-debut siya bilang miyembro ng Infinite noong 2010 at inilabas ang kanyang unang solo album na “Memory” noong 2021. Inilabas niya ang mini-album na “24/7″ na may lead track na “What’s Not to Love” noong Agosto na nakabenta ng mahigit 45,000 kopya noong ang unang linggo ng paglabas.
Bilang aktor, si Kim Myung-soo ay nagbida sa drama na “Dare to Love Me,” na ipinalabas mula May hanggang Hulyo ngayong taon.
Kabilang sa kanyang acting credits ang “Number,” “Royal Secret Agent,” “Welcome,” “Angel’s Last Mission: Love” at “Ms. Hammurabi.” Ang Universal Records Philippines ay isang Philippine record label na itinatag noong 1977 at naging isang independent label mula noong 1992.