Ibinahagi ni Catriona Gray ang kanyang pananaw sa pagsali ng mga kasal at mayroon nang mga anak sa mga international pageant.
Ito ay hinggil sa anunsyo ng pageant websites ukol sa kanilang desisyon na pahintulutang sumali ang mga babaeng single mother, buntis, kasal, o diborsiyado na lumahok sa internasyonal na pageant.
Ayon kay Gray, ang pagpayag ng pageant companies ay isang malaking hakbang tungo sa inclusivity.
Sinabi pa niya na ang pagiging Miss Universe ay pagiging isang tagapagsalita at hindi dapat maging hadlang ang marital status ng babae para maabot nito ang kanyang pangarap.
Ngunit bagama’t sang-ayon si gray sa pagsali ng mga ito sa beauty pageants, aminado siya na hindi ito magiging madali lalo na sa young mothers na may mga batang anak na balansehin ang kanilang schedule dahil kaakibat ng pagiging beauty queen ang pagpunta sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Naniniwala rin si Gray na ang Miss Universe ay isang plataporma upang magrepresenta ng mga bagay-bagay.—sa panulat ni Hannah Oleda