Matapos ang pagsabak sa Miss World competition noong 2016 ay nakatakda namang i-representa ni Catriona Gray ang Pilipinas sa Miss Universe stage.
Ito ay matapos koronahang pinakabagong Miss Universe Philippines 2018 si Gray sa ginanap na coronation night sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Katulad ng inaasahan ay pinahanga ni Gray ang mga hurado at manonood sa kanyang naging winning answer.
Si United States Ambassador to the Philippines Sung Kim ang nagbigay ng katanungan kay Gray kung saan hiningi nito ang kanyang mensahe para sa mga kababaihan sa Marawi.
“My answer and my message to the women is to be strong. As women, we’re the head of household and we have amazing influence, not only in our own families, as mothers, sisters and friends, but also in our community. If we can get the women to stay strong and be that image of strength for the children and the people around them, then once the rebuilding is complete and underway, the morale of the community will stay strong and high.” Ani Gray
Wagi rin sina Michele Gumabao (Binibining Pilipinas Globe), Karen Gallman (Binibining Pilipinas Intercontinental), Eva Patalinjug (Binibining Pilipinas Grand International), Jehza Huelar (Binibining Pilipinas Supranational) at Ma. Ahtisa Manalo (Binibining Pilipinas International).
Second runner-up naman si Samantha Bernardo at first runner-up si Vickie Rushton. —AR
—-