Proud na proud si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray sa mga kandidatang lumahok sa Miss Universe Philippines 2022 grand coronation night na ginanap noong Sabado, April 30, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ayon kay Catriona, inimbitahan siya ng Miss Universe Philippines Organization para umattend sa naturang event pero hindi siya nakadalo dahil sa ginagawang pelikula.
Nabatid na naging aktibo si Catriona sa social media bilang suporta sa mga kandidata kasabay ng kaniyang mga post sa kaniyang Twitter account kung saan, sinabi niya na dapat ay mas mahirap pa na tanong ang ibinato sa mga beauty queen na lumahok sa pageant dahil alam niyang kayang kaya itong sagutin ng mga kandidata.
Sa huli, nagpaabot ng pagbati si Catriona kay Celeste Cortesi ng Pasay City matapos koronahan bilang Miss Universe Philippines 2022.