Nasungkit ng Cleveland Cavaliers ikalawa nilang panalo sa huling anim nilang laro.
Ito ay makaraang ilampaso ng defending champion team ang koponan ng Detroit Pistons sa iskor na 128-96.
Pinangunahan ni Kyrie Irving ang panalo ng Cavs matapos itong kumamada ng dalawamput anim (26) na puntos.
Samantala, dahil sa pagkatalo, naputol naman ang dalawang sunod na panalo na mayroon ang Pistons.
By Ralph Obina
Photo Credit: NBA.com