Nagpaliwanag si Cavite Governor Jonvic Remulla kung bakit isinailalim nila sa state of calamity ang Cavite gayung hindi naman ito masyadong apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ayon kay Remulla, nasa 15,000 Batangueño ang kanilang kinukupkop sa kasalukuyan na kailangan nilang suportahan.
Layon lamang anya ng hakbang na makagamit ng P15-milyong calamity fund para sa mga evacuees na napalayo sa kanilang mga tahanan.
Tiniyak ni Remulla na handa nyang sagutin sakali mang may kumukuwestyon sa ginawang hakbang ng pamahalaang lokal ng Cavite.
May mga 15,000 evacuees kami mula Batangas, kaya kailangan namin ang calamity fund para sila ay matulungan… Titiisin ko na kung kuwestyunin ako ng COA sa pagdedeklara ko ng state of calamity sa Cavite, ang importante ay nakatulong ako sa mga Taal victims,” ani Remulla. —sa panayam ng Ratsada Balita