Hihingin na ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang tulong ng militar para sa mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lalawigan.
Ito ang inihayag mismo ni Remulla matapos mapikon sa patuloy na pagsuway ng ilang residente ng Cavite sa mga patakaran ng ECQ.
Ayon kay Remulla, naki-usap na siya sa Provincial Director ng Cavite para makahingi ng tulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mag-deploy ng mga sundalo sa buong lalawigan.
Nakatakda rin aniya siyang makipag-ugnayan kay DILG Secretary Eduardo Año para magamit ang Philippine Army at mga reservist sa pagpapatupad ng ECQ.
Binigyang diin naman ni Remulla na nagpasiya siyang magpasaklolo sa militar dahil sa patuloy na pagsuway ng ilang mga residente ng Cavite.
Aniya, nakakapikon at nakakakulo ng dugo na mayroon pa ring 10% ng mga Caviteño ang lumalabas sa ECQ guidelines gayung nakasusunod naman ang nasa 90% residente.