Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa paglobo ng kaso ng dengue.
Batay sa pinakahuling datos ng Cavite Provincial Health Office, pumalo na sa 3,605 ang bilang ng kaso ng dengue sa probinsya mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon.
Sa nasabing bilang, 18 rito ang nasawi.