Inilagay na sa state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue na nakaapekto sa isang buwang gulang na sanggol hanggang 83 taong gulang.
Ayon kay Cavite Provincial Health Officer Dr. George Repique, pumapalo na sa halos 4,000 ang kaso ng dengue sa lalawigan at 16 na ang nasawi mula sa unang siyam na buwan ng taon.
Sinabi ni Repique na ang naitalang kaso ng dengue ngayon ay 200 porsyentong mas mataas sa dengue cases na nai-record noong isang taon.
Ang Dasmariñas City aniya ang nakapagtala nang pinakamataas na kaso ng dengue na sinundan ng General Trias at Trece Martirez samantalang malaking bilang din ng dengue cases ang naitala sa Imus at Bacoor.
By Judith Larino